VENEZUELAN ACTOR FERNANDO CARRILLO, NAKIPAGKULITAN KAY BOY ABUNDA

Hindi naiwasang kiligin ni Boy Abunda matapos siyang buhatin ng leading man ng hit Mexican telenovela na “Rosalinda” na si Fernando Carrillo.

Sa huling bahagi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, nagbigay ng salsa tutorial ang 57-anyos na Venezuelan actor kasama ang comedienne na si Divine Aucina.

Pero sa pagtatapos ng sayaw, hindi inaasahang ibinaba ni Fernando si Divina at hinalikan sa pisngi.

Ipinakita pa ni Fernando ang kaniyang lakas at itinaas si Divine sa ere, bago sila umalis sa harap ng camera.

Habang binibigkas na ni Tito Boy ang kaniyang closing spiel, siya naman ang binuhat ni Fernando paalis sa harap ng camera.

Agad namang bumalik si Tito Boy at tinapos ang kaniyang spiel, at sinabing “Medyo maganda ‘yung hawak niya sa akin dito,” na tinutukoy ang kaniyang binti.

Hindi pa natapos ang kulitan nila ni Fernando, nang ayain naman siya nito na mag-piggy back.

"Fernando don't! Fernando don't!" sigaw ni Tito Boy na tila tatakbo, kaya si Fernando na lang ang pumasan sa kaniya.

Gumaganap si Fernando bilang si Fernando Jose sa “Rosalinda.” Ito na ang ikaapat na pagbisita ng aktor sa Pilipinas. --FRJ, GMA Integrated News

This article Venezuelan actor Fernando Carrillo, nakipagkulitan kay Boy Abunda was originally published in GMA News Online.

2023-06-08T14:13:27Z dg43tfdfdgfd