SUGAR MERCADO REMAINS GRATEFUL TO 'EAT BULAGA!' AND TVJ

Nagkaroon ng showbiz career si Sugar Mercado nang maging miyembro siya ng SexBomb Dancers at mainstay ng Eat Bulaga!, mula 2002 hanggang 2007.

Malaki ang utang na loob na kanyang tinatanaw sa noontime show na nasa sentro ngayon ng kontrobersiya dahil sa pamamaalam ng mga host sa TAPE Inc. at paglipat sa TV5.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Menor de edad lang si Sugar nang biglang magbago ang takbo ng kanyang buhay dahil sa Eat Bulaga!, na malaki ang kontribusyon sa pagkatao niya ngayon.

Lahad niya, "Sixteen years old ako, sobrang bata pa.

"Nagsimula ako sa babuyan sa Cavite, talagang nagbago ang buhay ko dahil sa kanila.

"Na-feature nila yon noong SexBomb dancer pa ako tapos in-absorb nila ako as co-host kaya naging malaking bahagi sila ng buhay ko. Natulungan ko yung family ko.

"Na-feature yon, naipatayo ko hanggang magkaroon ako ng kotse. Yung unang car ko, Altis, sa Eat Bulaga! rin po nanggaling yon,"

Eksklusibong nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Sugar nang bumisita siya sa studio ng Fast Talk with Boy Abunda dahil nagkita sila ng isang kasama ng Venezuelan actor na si Fernando Carrillo.

Nang mawala ang SexBomb Dancers sa Eat Bulaga!, patuloy na nakatanggap ng tulong si Sugar mula sa Eat Bulaga! kaya ikinalungkot niya ang pag-alis mula sa TAPE Inc. ng mga original host at ng Dabarkads.

"Kahit nawala ako sa Eat Bulaga!, never nila akong pinabayaan," sabi ni Sugar.

"Halos lahat ng mga sitcom ni Bossing [Vic Sotto], kasama ako kaya talagang malaki ang utang na loob ko sa kanila at hindi lang po ako.

"Marami rin silang mga talent na nabibigyan ng pagkakataon like Aiza [Ice] Seguerra, Maine Mendoza...

"Kahit yung mga wala na sa Eat Bulaga!, tinutulungan po nila hanggang ngayon."

Papayag ba siyang lumabas sa noontime variety show sa GMA-7 kapag nakatanggap ng alok?

Sagot ni Sugar, "Hindi po. Hindi. Respeto na lang po.

"Ako po kasi, nasaksihan ko yung panahon na TVJ is Eat Bulaga!.

"Ako, hindi na utang na loob. Mahal ko talaga ang Eat Bulaga!, as in buong Eat Bulaga!"

Regular na napapanood si Sugar sa mga programa ng GM-7 tulad ng TiktoClock at abala sa pamamahala sa sariling skincare business niya.

"May business ako, yung SugarWhite 7, meron akong soap, scrub at skincare. Tutok din ako sa two kids ko kasi wala akong yaya.

"Ang mahalaga naman is yung healthy ang family ko. Wala nang ibang importante kasi yung pera, kinikita naman."

Naging masalimuot ang paghihiwalay ni Sugar sa kanyang dating asawa. May plano ba siyang muling magpakasal?

Read: Ex-SexBomb dancer Sugar Mercado files VAWC complaint against husband

"Kapag ibinigay ni Lord, okay lang. Pero kapag hindi, okay rin dahil kasama ko naman yung mga anak ko.

"Kuntento na ako. Basta okay sila, okay ako," sabi ni Sugar.

2023-06-08T08:05:53Z dg43tfdfdgfd