MAINE MENDOZA ON RESIGNING FROM TAPE: "WALA SA AMIN PINILIT."

Naninindigan ang TV host-actress na si Maine Mendoza na walang nagdikta o pumilit sa kanilang mag-resign sa TAPE Inc., producer ng longest-noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga!.

Noong May 31, 2023, kasabay ng pagkalas nina Tito SottoVic Sotto, at Joey de Leon sa TAPE ay nag-resign din si Maine, pati na ang Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, at Ryzza Mae Dizon.

Read:

Sa panayam ni Maine sa TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori nitong Miyekules, June 7, 2023, nilinaw niya mga haka-hakang nag-resign silang "legit Dabarkads" dahil sa dikta at pamimilit umano ng TVJ.

Ayon kay Maine, lahat sila ay boluntaryong sumama sa TVJ. Hindi rin daw totoo ang mga alegasyong pinilit silang mag-resign.

Aniya, "Parang sa amin, pointless kung wala yung TVJ, and then we would continue with the show.

"So, kung saan sila, doon talaga kami.

"TVJ didn’t talk to us about it na, ‘O, kung saan kami, doon kayo.’ They didn’t force us at all.

"So, talagang lahat kami, lahat kaming Dabarkads, desisyon talaga namin yun.

"We just want to clear it out na wala sa amin ang pinilit."

Dagdag pa ni Maine, malaking bahagi sa buhay niya ang Eat Bulaga!.

Hindi raw niya maatim na iwanan sila, lalo na ang mga taong nagtiwala sa kanya— sina Tito, Vic, at Joey.

Read: Joey de Leon breaks silence after severing ties with TAPE; recalls phone call with 'Eat Bulaga!' advertiser

Saad niya, "I really cannot imagine myself leaving the show and being out of the show.

"So, kahit saan sila magpunta, as long as I can, I will stay in the show."

Sumikat nang husto si Maine dahil sa pagganap niya bilang Yaya Dub sa segment ng Eat Bulaga! na "Kalyeserye," kung saan nabuo ang phenomenal love team nila ni Alden Richards, ang AlDub, noong 2015.

TVJ TRANSFER TO TV5

Magkahalong excitement at saya ang nararamdaman ni Maine sa paglipat nila sa TV5 o Kapatid network.

Siniguro niyang ang kinagiliwan at minahal na mga segment ng Eat Bulaga! sa GMA-7 ay magpapatuloy sa bago nilang istasyon.

Read: "Legit Dabarkads," other celebs react to TVJ’s transfer to TV5

Pagbabahagi ni Maine nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya sa pagbabalik nila sa ere sa July 2023, "Siyempre masaya kasi kahit na lumipat kami ng tahanan, tinatangkilik pa rin ng Dabarkads, yung mga legit Dabarkads na mga segment ay mag-stay pa rin.

"Makikita at mapapanood pa rin nila."

Sa huli, may mensahe si Maine sa mga taong patuloy na sumusuporta, nagtitiwala, at nagmamahal sa kanila at sa kanilang programa.

Aniya, "Gusto ko lang magpasalamat sa mga legit Dabarkads na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa programa at sa aming mga host.

"Nagbabalik kami, sana mahintay niyo at abangan niyo rin ang pagbabalik namin." 

MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR

2023-06-08T08:05:54Z dg43tfdfdgfd