JON AND BULLET JALOSJOS SAY THEY HAVE "NO DIABOLICAL REASON" FOR JOINING TAPE BOARD

#EatBulagaWar

"They didn't give us a chance," panghihinayang ni Bullet Jalosjos sa nabigong negosasyon nila sa original hosts ng Eat Bulaga! na sina Tito SottoVic Sotto, at Joey de Leon, ang TVJ.

Sabi pa ng TAPE Inc. CFO—sa exclusive interview nito sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong June 3, 2023: "And alam niyo po, ang problema lang, 'For 44 years, kayo naman yung gumalaw, kayo naman lahat. Never kami sumawsaw.'

"We didn't even try to attempt because it was clear it was very hard to come in.

"Ano ba naman ibigay... two years na lang na kontrata namin sa GMA? Why don't you give us a chance?

"Give us a chance to see if we can try... some sort of change."

Dagdag ng kapatid niyang si Jon Jalosjos: "To improve the system and the show."

Ngunit hindi na nga sila mabibigyan ng pagkakataon dahil kumalas na sina Tito, Vic, at Joey—kasama ang lahat ng co-hosts at ilang key production staff—mula sa TAPE noong May 31, 2023.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Kawalan ng tiwala ang lumalabas na dahilan kung bakit sarado sina Tito, Vic, at Joey sa mga rekomendasyon ng magkapatid na Jon at Bullet.

Ang Jalosjos brothers ang  bagong pamunuan ng Television And Production Exponents (TAPE) Inc., ang prodyuser ng longest-running noontime show.

Sabi ni Jon, "I think they were questioning the change, our motive.

"Because during the negotiation, laging lumalabas, 'Ano ba ang motibo niyo? Hindi ako naniniwala.'

"Lumalabas naman sa mga interview niya [Tito Sotto], 'Hindi lugi ang Eat Bulaga!.'

"Hindi ko naman po sinabing lugi. Hindi lang balanced. Baka abutin tayo na lugi na.'"

Posible kayang ang negatibong pagtanggap ng TVJ sa Jalosjos siblings ay dahil kumakatawan ang mga ito sa "change," o pagbabago, ng isang sistemang nakasanayan na ng TVJ sa loob ng 42 taon?

"Yes, that's it," pagsang-ayon ni Jon. "Actually, the whole negotiation boils down to this."

"Change," susog ni Bullet.

Read: Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out

NO DIABOLICAL REASON

Iginiit nina Jon at Bullet na wala silang anumang "diabolical reason" sa pagiging aktibo bilang board members ng TAPE.

Hindi-hindi rin daw totoong may plano silang palitan ang TVJ. 

Ayon sa magkapatid, gusto ng kanilang ama, ang kontrobersiyal na si Romeo "Romy" Jalosjos Sr., na maglagay ng mga bagong dugo sa TAPE upang magtuloy-tuloy pa ang kumpanya at ang Eat Bulaga!.

Paliwanag ni Jon: "You know, times change. Di natin maiiwasan na tatanda at tatanda tayo, at yung nakasanayan natin puwede natin dagdagan para mag-improve. 

"So, yun naman ang layunin ng kumpanya kaya kami pumasok—continuity, number one.

"Lahat naman po siguro ng kumpanya, nagpaplano po para paano mag-survive ang kumpanya. Not just for us, but for the entire company. Especially yung mga maliliit [na employees]."

Hindi na raw kasi bumabata ang dalawang may-ari ng TAPE: ang chairman, si Romeo Jalosjos Sr., ay 82-anyos, at ang dating CEO at president na ngayon ay consultant, si Antonio "Tony" Tuviera, ay 78.

Majority shareholder si Romeo Sr., na may 75 percent share; habang si Tony ay may 25 percent share.

"The main reason talaga is continuity because aging na ang management namin," paliwanag ni Jon.

"We have to think of that. Dad is getting old. Tito Tony also. Wala naman nakakatakas [sa edad], e. 

"What we want is a smooth sana na, 'Prepare lang tayo. Di namin kayo gusto tanggalin, mag-prepare lang tayo.’ Yun yung rason kaya kami pumasok."

Giit ni Jon, "It's not because meron kaming diabolical reason na tanggalin sila, amin na ito. No, no, no, no."

Si Jon, 51, ang pumalit bilang CEO at presidente ng TAPE kay Tony Tuviera, na tinatawag na Mr. T sa showbiz industry, at mukhang minamahal at nirerespeto ng nagtutunggaliang kampo, ang TAPE at ang TVJ.

Ang mga kapatid ni Jon na sina Bullet at Soraya Jalosjos ay may posisyong Chief Finance Office at Executive Vice-President for Production, respectively.

Ipinaalam ni Jon na siya ay incumbent congressman ng first district ng Zamboanga del Norte—bagamat may isyu raw siyang nasa Korte Suprema—at mayroon din siyang mga sariling negosyo.

Hindi raw niya hiningi sa ama ang posisyon niya sa TAPE.

"It's just that when Dad was telling me, kasi nagkaroon na siya ng pacemaker, sabi ni Daddy, ‘Tumatanda na ako, paano 'to kung may mangyari sa akin? Anong mangyari sa Eat Bulaga!? Anong mangyayari sa inyo? Tito Tony mo is not getting younger din. Dumaadami na rin ang sakit.'"

Gusto raw ng kanilang amang ipusisyon na silang magkakapatid para sa anumang kaganapan.

Bago pa raw ng pandemic ng taong 2020, alam na ng mga taga-Eat Bulaga! ang pagpasok nina Jon, Bullet, at Soraya bilang active board ng TAPE.

Nag-isyu raw ng memo si Romeo Sr. upang ipaalam ang hakbang na ito ng board.

Pero, hindi naging maganda ang pagtanggap dito ng TVJ at ng mga namamahala ng produksiyon ng Eat Bulaga!, lalupa't sa loob ng mahigit tatlong dekada ay hindi nakialam ang Jalosjos Family.

Kuwento ni Bullet: "Pero ang hirap e. We really had a lot of resistance.

"Until umabot na ng after the pandemic, and then my dad realized, ‘We're gonna have to do this hard. Kasi if not, there's no way to bring you guys in.’

"Kasi, di nga kami pinapansin."

"There was really resistance," susog ni Jon.

Pagsusuma ni Bullet: "We weren't heard. No one respected us. Umabot na ng point na ganun. 

"I think my dad already saw na there's only one way—‘I'm gonna have to put my fist  down and say, You know what, I will retire.’

"Si Dad retired, and si Tito Tony, as discussed, magre-retire na rin."

Read: Jalosjos siblings treated like outsiders by Eat Bulaga! hosts

TVJ REFUSED TO SIGN CONTRACT

Sa 44 na taong pagsasama ng Eat Bulaga! at ni Mr. T, mahirap nang magkalamat man lang ang tiwala nila sa isa't isa.

Ito ang dahilan kaya umabot sa puntong nagtrabaho sina Tito, Vic, at Joey sa Eat Bulaga! sa kahabaan ng panahong iyon nang walang pinipirmahang kontrata.

Nandun din ang pangambang maaari silang palitan sa anumang oras dahil hindi na si Mr. T ang namamahala sa TAPE.

Bilang sagot sa pangambang yan, ayon kay Jon, nag-offer siya ng kontrata sa TVJ upang tiyakin sa kanilang hindi sila matatanggal sa programa.

"Yung takot na ‘gusto kami ni Chairman tanggalin,’ hindi po. 'Gusto niyo po pumirma tayo ng kontrata. Kahit ilang taon gusto niyo, e.'

"Kasi, if you're afraid na tatanggalin ka, ang sagot ko sa negotiation, 'You want it to be put into contract kung ilang taon po kayo? O kahit isang taon lang, hanggang December lang po.'

"They don't want to sign any contract.

"If you are afraid, at pinagbibintangan mo, diabolically tatanggalin kayo, isa lang sagot dun—hingi tayo ng kontrata, which I offered."

Ito raw ang naging sagot sa kanya ng TVJ: "Naku, 44 years na kami. Our work is our bond. For 44 years we existed without signing a piece of paper. Why start now?"

Sabi ni Jon sa kanila: "Kasi it protects both of us. It could protect you and us. Lahat ng negotiation natin, it can be put in a paper that will protect you and protect also the company."

Marahil ay old school ang TVJ, 'ika nga.

Pagsang-ayon ni Jon, "If you put it that way, yes. Because 44 years is really old. Yung system na yun, it worked talaga nung panahon na yun, it worked. Kaso, nagbabago ang panahon."

Hindi na raw ipinilit ni Jon na papirmahin ng kontrata ang TVJ nang tumanggi ang mga ito.

"Actually, I did not insist. I offered lang. When they said, 'Huwag na,' [sagot ko] 'Kayo po, sige po.'

"Because I want to take away the fear na tatanggalin sila.

"There's no word to tell a person, 'Hindi kita tatanggalin, hindi kita ipa-fireout,' kung hindi kita bibigyan ng papel na pipirmahan ko at pipirmahan mo."

Iginiit ni Jon na hindi nila kailanman inisip na tanggalin ang TVJ sa Eat Bulaga!, may kontrata man o wala.

"Wala kami tatanggalin... Plano namin nung una, aminin ko meron. But never sila. Hindi namin tatanggalin sila," sabi nito.

TVJ PLANS TO RETIRE ON 50TH ANNIVERSARY of eat bulaga!

Ibinahagi rin ni Jon ang sinabi sa kanya ng TVJ na gusto ng mga itong magretiro sa Eat Bulaga! sa mismong 50th anniversary ng noontime show, sa 2029.

Kuwento niya, "Sa kanila galing ito, 'Jon, [pag] umabot tayo ng 50th anniversary, kami mismo, on air, magre-retire sa Eat Bulaga!.'

"Not showbiz,' sabi niya, 'wala naman retiring age ang showbiz.'

"Sabi ko, 'Totoo po yan. Salamat po. Pareho po tayo.'"

Bilang bagong presidente ng TAPE, layunin din daw ni Jon na umabot ng 50 years ang Eat Bulaga!, ngunit gusto nitong hindi lang hanggang 50 years kundi lampas pa roon.

Dahil paano naman daw ang mga empleyado at ang kumpanya kung magtatapos ang lahat-lahat sa 50th year? 

Ipinaalam daw niya ito sa TVJ: "I asked them, 'Boss, pero mag-prepare naman po tayo. Maglagay naman tayo ng mga pagbabago."

Kinumpirma rin ng magkapatid na Jalosjos ang pahayag ni Tito, sa panayam ng huli sa PEP.ph noong April 2023, na isa mga gusto nilang idagdag na segment ay tungkol sa mga kasambahay.

Duda ng dating Senate President, gagamitin ang segment na ito upang isulong ang plano ni Romy Jalosjos na pumasok sa party list na may kinalaman sa mga kasambahay.

Hindi ito kinumpirma ni Bullet, ngunit hindi niya rin ito dini-deny.

Sagot ni Bullet tungkol dito, "Ako, regardless, if you talk about kasambahay, it's a marginalized sector. In fact, we should be hyping it up even more.

"These are the sectors na we call the minority na hindi talaga nabibigyan ng pansin.

"Whether or not we plan to push for a party-list, is it so wrong to put a segment solely concentrated on the kasambahay?"

ANO ANG TAMANG BILANG NG TAON PARA SA EAT BULAGA!?

Mapapansing iba-iba ang binabanggit na tagal ng Eat Bulaga!. Ang pinakaginagamit ay apatnapu't-apat (44) na taon.

Totoong 44 na taon na ang Eat Bulaga! sa telebisyon.

Ngunit may breakdown ito: 

Halos dalawang (2) taon ang unang pinagsamahan ng TVJ bilang hosts at Production Specialists bilang producers—mula July 30, 1979 hanggang 1981. Salaried employees noon ang TVJ. Ang Production Specialists, na nagpapasuweldo sa kanila, ay pagmamay-ari nina Antonio Tuviera, Romeo Jalosjos Sr., at ilan pang investors.

Sa simula't sapul, Eat Bulaga! ang gamit na pangalan ng programa, ang pangalang binuo ni Joey de Leon sa isang brainstorming session ng TVJ. Noon ay hindi lumipad ang bagong programang Eat Bulaga! Nagsara ang Production Specialists.

Nakita muli ang Eat Bulaga! sa telebisyon noon ding July 1981. Sa sumunod na forty-two (42) years, o hanggang nitong May 31, 2023, nagsama ang TVJ at TAPE Inc. Salaried employees pa rin ang TVJ. Ang TAPE naman, na nagpapasuweldo sa kanila, ay pagmamay-ari ng dalawang investors na lamang, sina Antonio Tuvera, bilang minority shareholder, at Romy Jalosjos, bilang majority shareholder. 

MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR

2023-06-08T04:05:49Z dg43tfdfdgfd