JODI STA. MARIA, FERNANDO ZOBEL DE AYALA SHOW LOVE FOR RESCUED ANIMALS

Kahit ang mga artista at prominenteng tao sa lipunan ay may soft spot para sa mga hayop, tulad ng aso at pusa.

Isa na rito ang prominenteng negosyante na si Fernando Zobel de Ayala (FZA), na may apat na alagang aspin (asong Pinoy).

Na-feature ang businessman sa Facebook post ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), kung saan nakasaad na FZA adopted PAWS shelter dogs, sina Bonito at Charlie.

Meron pang tatlong aspin na in-adopt si FZA mula sa PAWS shelter.

Aside from these dogs, he also adopted six (6) rescued horses mula sa Taal eruption noong 2020.

Kaya ganoon na lang ang puri ng netizens sa kanya.

Comment ng isang netizen, "He can afford to buy expensive ones but instead, he adopted them."

Isa pang komento ang nagsabing, "I salute you for adopting aspins instead of buying dogs with breed."

Ikinagalak naman ng PAWS staff ang pagbisita ni Jodi Sta. Maria. Animal lover by heart kasi si Jodi.

Katunayan, nitong January lang ay may ni-rescue na kuting ang aktres sa airport.

Jodi named the kitten Naia (Naya).

READ:

Sa pagdalaw niya sa PAWS, ipinakilala ang aktres sa mga animal residents at staff ng shelter. Sa video na ipinost ng PAWS via Facebook, ipinasilip din kay Jodi ang Spay-Neuter room, special needs area, at ang mga senior dogs na naroon.

Binasahan pa ni Jodi ng libro ang isang aso na tila naghahanap ng kalinga.

Sa Facebook page ng PAWS, maraming nagkomento at lahat ay natuwa sa gesture ni Jodi.

Sabi ng isa, "Thank you so much, Ms. Jodi. You are wonderful inside and out.

"Please help all our animal shelters for them to continue their advocacy to help more animals."

Sabi ng isa pa, "One of the reasons why Ms. Jodi is really blessed. She really loves animals. Salute to you, Ma’am."

Bukod sa mga donasyon, masayang-masaya ang PAWS sa oras at pagmamahal na binibigay ng mga celebrities sa mga shelter animals.

PHOTO: Facebook (PAWS)

PAWS ADVOCACY

Itinayo ni Muriel Jay noon pang 1954, ang Philippine Animal Welfare Society o PAWS ay isang non-profit organization na may layuning protektahan ang lahat ng uri ng mga hayop.

Hangad ng PAWS na maging daan para mabibigyan ng awareness ang mga tao tungkol sa respect and compassion for animals and even giving them a second chance at life.

Sa rami ng animal lovers, hindi nahirapan ang PAWS na maging volunteer-based ang kanilang organisasyon.

Mas maraming volunteers, mas marami silang nasasagip na mga aso’t pusa, lalo na sa mga depressed areas.

Kadalasan sa mga ito ay inaabuso, inaabandona, hindi pinapakain at minamaltrato.

Speaking of volunteers, kasama na rito ang mga kilalang personalidad na ating hinahangaan.

Maraming celebrities at prominenteng tao sa lipunan ang nakikibahagi sa adbokasiya ng PAWS.

Nangunguna sa listahan ang certified dog lover at Megastar Sharon Cuneta.

Siyempre, nariyan din ang mga Kapuso stars na sina Heart Evangelista at Carla Abellana na mga dog/aspin lovers din.

GIVING DEPRIVED ANIMALS A CHANCE

Prayoridad ng organisasyon ang magligtas ng mga abandoned and homeless animals.

Sa Facebook at Instagram pages ng PAWS, iba’t ibang mukha ng mga aso at pusa ang makikita sa kanilang mga posts.

Merong mga cats and dogs na takot at may alinlangan sa umpisa, pero after a few days ay bakas na ang kasiyahan sa mga mukha nila.

Hindi lang sa rescue and adoption nakatuon PAWS. Meron din silang ibang programa na beneficial to animals, lalo na sa strays, gaya ng Free Pet Kapon Day (spay and neuter).

Ang procedure na ito ay may kaukulang benepisyo sa hayop—una, para maiwasan ang pagdami ng mga tuta o kuting.

Pangalawa, makakatulong din ang kapon sa pagbabawas ng mga behavioral issues kaugnay ng mating instinct nila.

Ang mga aspin (asong Pinoy) at puspin (pusang Pinoy) ang kadalasan nating makikitang pakalat-kalat sa lansangan.

Sila ang vulnerable sa sakit at pang-aabuso. Kaya may mga ganitong programa ang shelter para ma-encourage ang mga may-ari na limited ang budget o ang mga taga-barangay na ipakapon ang strays.

Bukod sa free kapon, meron ding foster care at rescue operations ang PAWS.

Hindi lang aso at pusa ang binibigyang halaga ng organisasyong ito, kundi lahat ng hayop.

In fact, they also have chickens in the shelter, and even came up with a program called The Better Chicken Option.

FIGHT FOR ANIMAL RIGHTS

Dahil sa mga organisasyong gaya ng PAWS, marami ang naging aware tungkol sa animal rights.

Maging sa simpleng pet care ay naging mas responsible ang karamihan dahil na rin sa mga adbokasiyang ito.

Isa sa mga ipinaglalaban ng PAWS ay ang mabigyan ng kaukulang hustisya ang inabusong hayop.

Good thing, mayroong Animal Welfare Act para protektahan at i-promote ang kapakanan ng mga hayop sa bansa.

Pero marami pa rin ang umaasang sana mas pagtibayin pa ito ng ating gobyerno.

Matapang ang PAWS sa pagpaskil tungkol sa kalunus-lunos na mga nangyari sa ibang mga aso o pusa, in the hope that animal abusers will be punished and these poor animals will be given the justice they deserve.

Aside from abandoned and abused strays, meron ding mga traumatized o special needs section ang PAWS shelter.

Dito nilalagay ang mga nasagasaan o biktima ng hit and run, yung mga bulag at iba pang disabilities.

They may not be able to seek immediate cure, but knowing they have comfort despite their condition can give these animals a feeling of warmth and security.

2023-06-08T12:10:58Z dg43tfdfdgfd