CARREN EISTRUP SAYS SHE WAS NOT "FORCED" TO LEAVE 'EAT BULAGA!'; CONFIRMS JOINING TVJ ON TV5

Nagsalita na si Carren Eistrup tungkol sa pag-alis niya sa Eat Bulaga! na ipinoprodyus ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. at umeere sa GMA-7. 

Si Carren ang itinanghal na "Bida Next" grand winner sa talent search ng longest-running noontime show noong February 4, 2023. 

READ: "Bida Next" winner Carren Eistrup, nag-resign kahit kasama sana sa revamped 'Eat Bulaga!'

Gabi ng June 8, Huwebes, naglabas si Carren ng opisyal ng pahayag tungkol sa desisyon niyang sumama sa paglipat ng TVJ sa TV5. 

Sa kanyang Instagram at Facebook post, ibinahagi ni Carren ang litrato niya kasama sina Tito SottoVic Sotto, at Joey de Leon, at Allan K. Kuha iyon nang manalo siya sa "Bida Next."

Sabi ni Carren (published as is): "Winning Eat Bulaga’s Bida Next was a dream come true. I’ve always wanted to work with my idols, including the iconic TVJ trio.

"Malungkot po ako sa mga nangyari pero kailangan ko pong sundin ang puso ko dahil ito po ang nagguide sa akin all my life and has led me to where I am today—isang Cebuana na may malaking pangarap who was fortunate enough to win a grand competition and work with TVJ, Maam Allan, Kuya Wally, Kuya Jose, and the rest of the EB cast, all of whom are inspirations to me." 

CARREN SAYS SHE WAS NOT FORCED TO LEAVE EAT BULAGA! WITH TVJ

Sinagot din ni Carren ang claim ni Bullet Jalosjos, chief finance officer ng TAPE Inc.,  na nag-rehearse na siya sa Eat Bulaga!, pero biglang umatras sa di malamang dahilan.

May pahapyaw ring banggit si Bullet na hindi niya alam kung "sino nagpaatras" kay Carren sa show. 

Sinabi iyon ni Bullet sa panayam ng CNN Philippines noong June 8. 

Paglilinaw ni Carren, "Gusto ko lang po sabihin, that I have not rehearsed with the new EB cast nor have I been forced to leave [with] them.  

"Nililinaw ko rin po na walang pananakot and pressure from my talent management, Merlion Entertainment.  

"I hope this clears everything out."

Sa huli, ipinahiwatig ni Carren na kasama rin siya ng TVJ at original Dabarkads na mapapanood sa TV5.

Aniya, "I just want to give a big thank you that a new door has opened for me.

"Thank you po TVJ, MEDIAQUEST, and TV5 for our new home.

"Kita kits po tayo soon mga legit dabarkads."

STATEMENT FROM CARREN EISTRUP'S MANAGER

Kaugnay ng pag-alis ni Carren sa Eat Bulaga!, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang head ng Merlion Entertainment na si Maristel Fernandez. 

Tinanong ng PEP.ph si Fernandez tungkol sa pahayag ni Bullet na nag-rehearse na si Carren ngunit umatras. 

"Yung totoo, hindi namin alam kung saan galing yung nag-rehearse, hindi po totoo yon. Hindi nag-rehearse si Carren," paglilinaw ni Fernandez.  

"At bilang management niya, tinanong namin si Carren kung ano ang gusto niyang gawin. Siya mismo ang nagsabi na gusto niya sa TVJ. Kasi, hindi mo naman masisisi ang bata dahil yun ang nakilala niyang pamilya.

"At bilang management niya, lalo na si Carren, minor pa lang, para sa amin, importante kung saan siya magiging masaya at kung ano ang kagustuhan niya." 

Ayon pa kay Fernandez, walang namilit kay Carren sa pagsama niya sa original Dabarkads. 

"Kami, gusto namin na wala kaming mabe-burn na bridges," pagtatapos niya. 

MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR

2023-06-09T00:06:08Z dg43tfdfdgfd