AIAI DELAS ALAS KAY BETONG SUMAYA: 'ISA KA SA MABAIT NA ARTIST NA NAKILALA KO'

Inihayag ni AiAi Delas Alas ang kaniyang paghanga kay Betong Sumaya, na isa sa mga bagong host ng "Eat Bulaga," na mabait at may respeto sa mga katrabahong mas senior sa kaniya.

Sa Instragram, nag-post ng mensahe si AiAi tungkol sa kabutihan ng isang tao.

"Kindness is a gift everyone can afford to give," saad sa naturang quote na may kalakip na caption para kay Betong.

Ayon sa Concert Comedy Queen, tila malungkot si Betong sa Tiktok post nito kaya pinayuhan niya ang kapuwa niya komedyante na maging matibay at patuloy na magdasal.

"Mabait kang tao, marespeto sa senior sa 'yo... isa ka sa mabait na artist na nakilala ko," sabi ni AiAi.

"Dasal lang at tibayan mo ang loob mo. pag nalulungkot ka isipin mo na lang ilang beses ba naten kakantahin ang in New York Rio Tokyo --or any other place you see, you feel that dancing fantasy na hindi tayo nag kakamali sa phrasing," patuloy niya.

Sumagot naman at nagpasalamat si Betong sa naturang mensahe ng suporta mula kay AiAi.

"Sobra naman akong natouch sa post nyo," sabi ni Betong. "Ty po sa encouragement at support nyo. Natawa tuloy ako sa "New York, Rio, Tokyo" natin," saad ni Betong.

Miss na raw ni Betong ang aktres at hangad niyang makatrabaho itong muli at makanta nila nang maayos at tama ang "New York, Rio, Tokyo." --FRJ, GMA Integrated News

This article Aiai Delas Alas kay Betong Sumaya: 'Isa ka sa mabait na artist na nakilala ko' was originally published in GMA News Online.

2023-06-08T12:13:27Z dg43tfdfdgfd